Ang Kasinungalingan ni Harry Roque

Dear Secretary Harry Roque,

Paano ka nakakatulog sa gabi? Araw-araw lumalala ang pagiging sinungaling mo po. Mula sa pagyurak sa karapatang pantao at pamamahayag, hanggang sa teritoryo natin sa Benham Rise.

Eto ang justification niyo at ng amo mo sa pagpayag sa China na gumawa ng research sa Benham Rise. Resibo.

Luh, grabe sya oh. Dalawa lang to eh. Either sinungaling ka or tamad kang magbasa. Eto po sinagot kayo ng isang expert, expert sa Maritime Research na si Prof. Jay Batongbacal. Pakibasa, wag tamad.

Atty. and Prof. Jay Batongbacal is the director / head of UP Law Institute for Maritime Research / Affairs.

FILIPINOS HAVE BEEN EXPLORING THE BENHAM RISE REGION FOR YEARS [Fair warning: for the first time, i am about to really…

Posted by Jay Batongbacal on Tuesday, 23 January 2018

Medyo mahaba ang post ha, baka tamarin kayo. Eto po video na lang, nakakahiya naman sa inyo.

Yan po ang magpapatunay na sinungaling kayo. Matagal nang may ginagawang research dun ang mga Filipino scientists pero ang lakas ng loob niyong magsinungaling. Mga traydor. Hindi na kayo nakuntento sa Scarborough Shoal na pinabayaan niyo nang akuin ng China. Resibo.

Pati ba naman Benham Rise na puno ng minerals at gas na makakatulong sana sa bansa natin, gusto niyo pang ibigay?

Sa ginawa mo, pinababa mo ang morale ng mga Marine scientist natin. Ilang taon silang nag research diyan funded by the government dati. Hindi ka kasi nagbabasa bago kumuda. Resibo.

Hindi na nga nag jet ski ang amo mo, pati isang teritoryo na nasa kabilang dako ng Panatag Shoal ibibigay niyo pa rin?

Kung ang amo mo ang may utang na loob sa China, bakit hindi ang pera niya sa bank account sa BPI ang ipambayad. Or umutang siya kay Bong Go, di ba sabi niya bilyonaryo sya or mabuti pa, ikaw na lang ipambayad, doon ka sa China, tutal mukhang lagi mo naman silang pinagtatanggol. Duh.

Ako na lang nagresearch for you. May resource speaker ka na, may video ka pa at may resibo din. Libre na lang yan, para naman sa bayan eh. Next time magtanong muna bago kumuda para hindi masunog ng buhay. Tse!

Hindi Tamad Magresearch,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *