Ang Karumaldumal Na Pagpatay Kay Archimedes Trajano

Dear KaPAB,

Malapit na mag August 31, same day 41 years ago, sapilitan nilang kinuha si Archimedes Trajano at pinatay.

Ang kasalanan?

Nagtanong lang siya kung ano ang kapasidad ni Imee Marcos para pamunuan ang Sangguniang Kabataan.

Ayun, binitbit at pinatay agad. Sabi ni Imee bata pa siya noon? I don’t think so. Alam niya kasi maraming witness na Marcos security niya ang kumuha kay Trajano.

Pinaniwalaan na inabot ng 12-36 hours na torture bago namatay ang inabot ni Trajano. Sobrang sakit para sa mga mahal sa buhay siguro ni Trajano.

Pilit sinasabi ni Imee Marcos mag move on tayo. Pero wala naman siyang karemorse-remorse.

Alam niya ang nangyari, kasi inamin niya during the hearing ng kaso sa Hawaii.

Ganito sya ka-evil. Hinayaan niyang mangyari ang kahayupan. Nanalo ang pamilya Trajano sa kaso sa Hawaii. Pero ni pisong duling walang binayad si Imee.

Hindi nasunod sa Pilipinas ang verdict dahil lang sa technicality.

Tapos ngayon muling naglilibot para kumandidato, pero yung kinurakot ng pamilya niya ay binabayaran pa din natin ngayon.

Kahit sa sarili niyang probinsya may mga alleged corruption na ginawa.

Hindi ba, sobrang kakapalan? Huwag nating hayaan makabalik ang walang konsenyang babaeng ito.

Galit sa Magnanakaw,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *