Ang Kalat Ni Jiggy Manicad

Dear Jiggy Manicad,

Napanood ko ang interview mo kanina. Sobrang kalat. Napatanong tuloy ako kung journalist ka nga ba talaga.

1.  Gusto mong mabago ang policy na mali?

 

Eh yung partido na sinalihan mo numerong uno na kumunsinti sa mali eh. Paano mo mababago aber?

2.  Astig kasi ginulpi ang sheriff?

So ang leadership para sa iyo ay pag may binubugbog na gumagawa lamang ng trabaho niya? So para sa yo hindi mali Yun? Wow naman talaga.

3. Paano kung humihingi ng protection and source mo?

 

Ibig sabihin hindi mo ibabalita unless yung source mo ang magrelease? Journalist ka ba talaga?

4. Nakita mo ang impact  sa poorest of the poor?

Bakit ang mga kakampi mo ay mga naimbestigahan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan? Hello, Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Imee Marcos? Parang wala ka namang nakitang impact eh.

5.  You “may”?

 

Ok ka lang? Dapat nga ito ang mga stand na klaro ka kasi journalist ka dati. Dapat dinadamayan mo ang kapwa mo journalist.

6. Highest paid?

Weh, di nga? Parang nahiya sa iyo ang KMJS.

Pati si Mike Enriquez din tinaasan mo ng sweldo?

Sige nga maglabas ka ng resibo. Alam mo hindi pa man, sobrang trapo ka na, basura na lumalabas sa bibig mo. Eto ang brand mo of leadership?

 

Ay buti pang wag ka nang iboto, wala ka palang awa sa mga ordinaryong mamamayan eh. Tse!

 

Yamot sa Tae este Trapo,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *