Ang Kakapalan ng Mukha Ni Harry Roque

Dear KaPAB,

Sobrang kapal ng mukha talaga ni Harry Roque. Noong weekend siya ang nagviolate ng mass gathering protocol.

Hindi lang isang beses, maraming beses pa. Nag imbento pa ng bagong health protocol. Para lumusot lang ang kabalastugan na ginawa niya.

Ngayon na inulan ng batikos, ipapasa kay VP Leni ang ginawa niyang kalokohan.

Una, yung ginawa ni VP Leni, naghatid ng tulong sa mga nasalanta. Hindi niya kontrolado ang mga taong lumalapit sa kanya na gustong makipag kamay kasi nga uhaw sa kalinga ng gobyerno.

Eto si Harry Roque, pumunta sa Cebu para sa Isang tourism event para magpasikat.

Siya ang nagkalat ng paulit-ulit, tapos parang troll lang na ibabalik kay VP Leni ang sisi. Ilang beses na ba itong kalat? Nagvideoke kahit bawal pa habang lumulubog ang Cagayan. Ngayon nagkalat sa Cebu. Tama ang spokesperson ni VP Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez:

Dapat, kalat nila pulot nila. Sabagay wala naman sa bokabularyo ng rehimeng Duterte ang accountability. Sila tama lagi at pag nabatikos , mambabastos.

Kadiri.

Yamot Sa Mga Incompetent,

PAB