Ang Kabastusan ni Harry Roque

Dear Harry Roque

Nabasa ko po ang reaction niyo sa mga kritiko ng presidente tungkol kung paano niya pinapaboran ang China. Eto po ang sinabi niyo.

Ganito po ba dapat ang spokesperson magsalita. Ang point lang naman, wala man lang kayong ni isang diplomatic protest na ginawa. Pinabayaan niyo ang China sa teritoryo natin. Pinamigay ng amo mo ang isang bagay na hindi naman kanya.  Dati naman iba ang prinsipyo mo pagdating sa China di ba? Naaalala mo ang larawang ito? Eto ka noong, pinaglalaban ang karapatan ng mga mangingisda.

 

Pero dahil nilagay ka sa position na yan at balak mo pang kumandidato nilamon na ng sistema ang prinsipyo mo. Eto pa sinabi mo.

 

Maubos talaga lahat? Alalahanin mo 16 milyon lang ang nagluklok sa amo mong sipsip sa China.  Dati pinaglalaban mo ang karapatan ng bawat Pilipino. Human rights lawyer ka pa nga eh. Anong nangyari at naming Inhumane lawyer ka na? Nalasing ka ba sa isang basong tubig na kapangyarihan?

Tatakbo kang senador? Sa tingin mo pag sipsip ka sa China mananalo ka? Isa kang traydor sa bayan. At ang mga traydor ay walang puwang sa Senado. Yung iba nga dun basura na eh, dadagdag ka pa. Kadiri ka!

Yamot sa Traydor,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *