Ang Kabastusan ni Erwin Tulfo

Dear Erwin Tulfo,

Hindi ko po alam kung saan kayo humuhugot g kapal ng mukha para pagsalitaan ng ganyan si CJ Sereno. Napanood ko to.

Kung makapagmura ka kay CJ Sereno parang hindi ka napalaki ng tama.

Sagutin lang kita ha nang hindi nagmumura.

1. Nagmarunong ka sa quo warranto. Pinakita mo lang kung gaano ka kamangmang sa batas.

Chief Justice ay matatanggal lamang via impeachment proceedings. Nasa Saligang batas yan, Kyah. Tamad ka din magbasa gaya ni Mocha? Luh, basa-basa din pag may time.

At kung sakali man ha na nasa saligang batas ang quo warranto, hindi pa din yan applicable. Kasi po under the rules of court puwede lang yan gawin within the year when the said officer was appointed. Five years na Chief Justice si CJ Sereno, tulog ka ba sa pansitan, Kyah.

2. You are comparing CJ sereno to Former Chief Justice Corona. Another kabobohan. Magkaiba kaya yun. Kinuhanan na kita ng meme, mukhang tamad ka pa naman magresearch.

Ayan ha, wag puro kuda, matutong magbasa.

Huwag niyo kaming lokohin, alam ng taong bayan ang pang-aapi at panggigipit niyo kay CJ Sereno. Alam ng taong bayan kung paano niyo binabaluktot ang batas.

Yung kabastusan at pagmumura mo kay CJ Sereno, sana abutan ka ng karma.

Yung klase ng bunganga mo ay nagrereflect kung paano ka pinalaki at anong klaseng prinsipyo meron ka.

Kadiri. Magmumumog ka ng muriatic acid. Tse!

Yamot sa Balahurang Bibig,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *