Ang Istorya ni Mocha at ni Bong Go

Dear Mocha Uson,

Anong pakiramdam na hindi na sigurado ang amo mo kung asset ka o liability sa kanila. Ayan oh, basahin mo sagot ni Bong Go.

Hindi na siya sure, bes. Kasi naman ikaw post ka ng post ng fake news. Tapos kung ano-anong video ang pinapakalat mo na nakakasira kay Tatay Digong mo.

Tapos eto pa bes, si Bong Go at PPRD ang nagsorry na lang sa kalat mo, oh. Kahiya ka no?

Tapos yung mga alipores mo hindi mo sinasaway na atakehin si Bong Go. Pinagtutulungan niyo pa. Mahiya ka naman ng konti nakakataas yun sa yo.

Minsan may problema ka talaga sa comprehension no? Yung video na sagot mo kay Ms. Kris Aquino ay obvious na hindi mo na gets ang punto. Eto ang video mo.

Sabi mo this is not about Kris Aquino? Ok ka lang? Mga magulang niya ang binastos mo. Ang masakit pa, alaala ng patay ang binastos mo. Eh kung baliktarin natin at sabihin na ang namatay mong ama ay corrupt? Papayag ka ba? Baka nga siguro pinasugod mo ang mga trolls mo agad.

Alam mo wag kang mag invoke ng freedom of expression kasi hindi yan absolute. Bastos ka eh. Ang kabastusan hindi part yan ng freedom of expression. Ginagawa mong hobby eh.

Ano ka ngayon, pahiyang pahiya ka no? Even kapwa mo DDS galit sa kabastusan mo. Tse!

Yamot sa Bastos,

PAB

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *