Ang Istorya Ng Sedition At Ang Mga Akusado

Dear KaPAB,

Kahapon nag file si VP Leni ng motion para ilabas nila ang ebidensiya nila.

 

 

Ngayon ang iba namang inakusahan ng CIDG, mga pari, abogado,pulitiko at ang ibang ordinaryong tao ang nagfile ng counter affidavit.

Ang kaso ng CIDG ay nakasalalay kay Peter Advincula, isang tao na ilang beses nagpabago-bago ng statement at naconvict na din sa isang krimen na fraud.

 

 

Sabi nga dati ng PNP Chief, “peddler of information” daw ito and mismo ang Senate President binansagan din ito “a serial peddler of stories”.

Tatlong taon na sa posisyon si Duterte, pero pikon pa din pagdating sa kritiko. Yung trump up charges kay Delima, yung pag papaalis kay CJ Sereno, yung pagbabalik ng imbentong kaso kay Senator Trillanes.

Sa dami ng inconsistency sa affidavit ni Bikoy, pinatulan pa din ng CIDG at OSG. Ang end game nito, gusto lang nila maimpeach si VP Leni, kaya dinamay na lahat.

Kailan pa naging sedition ang pagpupuna sa kamalian ng gobyerno?

 

Patuloy na Magmatyag,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *