Ang Gulo ng Bureau of Customs

Dear BOC Commisioner Lapena,

Ano po ang nangyayari sa office niyo? May nakalusot na naman na sandamakmak na shabu.

P 6, 800,000,000.00 worth na shabu ay nasa mercado na ngayon. Nakikinig ako sa Senate hearing, sinabi na ng PDEA na meron ngang shabu kasi naamoy ng mga drug sniffing dogs sa container.

Ayon sa PDEA meron nga di ba?

Pero hindi ko maintindihan kung bakit ginigiit ng office niyo na walang shabung nakalusot.

Ano ang dahilan bakit ayaw niyong tanggapin na nalusutan na naman ang opisina niyo?

Kahit si Congressman Quimbo, hirap maniwala sa inyo eh.

At bakit tahimik si President Duterte, hindi ba dapat magwala siya at may nakapasok na naman na sandamakmak na shabu sa merkado?

Gaya noong kaso na nainvolve si Polong tahimik din sya.

Huy, ayusin niyo ang trabaho niyo diyan. Mahiya kayo sa taong bayan.

Yamot sa mga Incompetent,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *