Ang Gobyernong Insecure

Dear Secretary Aguirre and Atty. Acosta,

Kanina umattend daw kayo ng launching ng Citizen National Guard. Resibo.

Ano yan?  Bagong party list ng mga security guard? Sobrang insecure ng gobyernong ito at hindi kayo makuntento sa AFP, PNP at NBI?  Kailangan gumawa pa kayo na parang private armies? For what reason? Para supilin ang freedom of speech ng taong bayan?

Eto ang objective ng grupo niyo eh. Resibo.

Enemies of the State, Dilawan?  Eh lahat ng pumupuna sa gobyernong ito ay kinoconsider niyo na  dilawan eh, kahit si Miriam or Binay or si Grace Poe ang binoto, para sa inyo dilawan pa din. Insecure sa mga dilaw, mga beshie?

Tapos may private army din pala kayo Secretary Aguirre ha. Resibo.

May mga assasination pa kayong nalalaman, bakit nakakamatay ba ang mga hashtag? Nakakaloka kayo. Baka kulam puwede.

May nagpadala ng picture sa PAB dati, Secretary Aguirre,  umuuwi daw kayo sa Quezon na sakay sa helicopter. Resibo.

At pati yung bodyguard niyo may helicopter din daw po. Resibo.

Wala akong pakialam kahit mag submarine kayo pauwi, basta sariling pera niyo ang ginagastos niyo.

Sana lang hindi pera ng bayan ang gastos . Ang daming problema  ng bansa na dapat pagtuunan ng pansin.

May mga mga “guard-guard” pa kayong nalalaman, tse!

Tubuan sana ng sangkaterbang pigsa sa kili-kili ang mga walang pakundangan mag waldas sa pera ng bayan!

Yamot sa Feelingerong Palaka,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *