Ang Federalismo, Sa Pananaw ng Isang Batikang Abogado

Dear KaPAB,

Hayaan niyo pong ishare ko po sa inyo ang pananaw ni Atty. Mel Sta. Maria, about kung ano ang magiging epekto ng Federalismo sa ating bansa.

 

SOBRA NA . KUNG MAPASA, GULPE NA ANG BULSA NG BAYAN. At least 400 na congressmen/women, more than 70 na senador, apat na Chief Justices, 39 na Associate Justices, may regional Supreme Court pa sa 18 regions. Ang pagbabagong iyan ay PARUSA na naman sa BULSA ng taong bayan na gagastos sa lahat ng iyan. Nagtaas na nga ng buwis, tapos heto na naman ang gustong isulong para tustusan ng taong bayan! Malinaw na dapat sa lahat ang pagtutol sa CHA-CHA. Sobra itong magiging pasakit sa bayan.

NAKAKAGALIT. Kung papasa iyan CHACHA, maghanda na kayo sa SURVEILLANCE na maaaring gawin sa inyong pagkatao at pamamahay. Papahintulutan na rin ito kung may makita silang “probable cause” sa anumang hinala nilang krimen. Nakakatakot ito, ang daling magimbento ng “probable cause” para maglagay ng apparato malapit o sa loob ng bahay ninyo upang madining at makita ang pinaguusapan at ginagawa ninyo sa loob ng inyong bahay. Kahit na pag-se-sex pwedeng marinig at manmanan ng hindi nyo alam.

HETO PA, kung gusto ng ordinaryong mamamayan na malaman ang katiwalian na ginagawa ng mga makapangyarihan at nagpapayamang mayor, governor,congressman, pupunta pa ang ordinaryong mamamayan sa korte para humingi ng pahintulot. BAKIT nilalagay ang pasanin sa taong bayan at hindi sa mga corrupt ang pagppunta sa korte. Ano ba iyan?! Makapangyarihan na nga ang iimbestigahan, pahihirapan pa ang ordinaryong mamayan na malaman ang mga pribadong interest nila para patunayan ang mga ill-gotten wealth.

Tama nga naman si Atty. Mel, lubog na tayo sa utang sa China, saan kukunin ang bilyones na gagastusin sa Federalism?

Hindi ang Constitution ang kailangan palitan, baka ang Presidente na ang kailangan palitan na.

Ayaw sa Federalism,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *