Ang Fake Post at si Martin Andanar

Dear Martin Andanar,

Sa laki ng budget nyo hindi nyo pa makuha ng tama ang trabaho nyo? Sinasayang nyo ang pera ng taong bayan. Ang Philippines News Agency ay government owned publication. In other words kami nagpapasweldo sa inyo. Tingnan mo naman tong article na to,

Yung news sa Marawi tapos yung gamit na picture sa Vietnam?  Yung totoo?  Pinagloloko nyo ang taong bayan! Ang tatamad nyong mangalap ng totoong litrato. Bakit naduduwag ba kayo pumunta ng Mindanao?  Sabi ni Abella, bawal ang fake news, pero kayo mismo diyan sa Office of the President nagpapakalat ng fake news!  Nakakahiya kayo!

Sa budget na P231,304,000.00 , fake pictures ang kaya niyong ibigay? Walang pamasahe papuntang Marawi?  Walang pambili ng camera? Sa google nyo lang kinuha ang picture eh!

Maawa kayo sa pera ng bayan kung peke lang naman ang inyong binibigay!  Mabuti pa magresign na kayo ng assistant mo na si Mocha. Pareho kayong mahilig sa fake news!

Nagagalit,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *