Ang Duwelo na naging Taguan, Bow

Dear President Duterte,

Di ba po abogado po kayo?  Alam niyo naman po siguro na encouraging murder, homecide or duel is a crime? Naghamon na naman po kayo. Sabi niyo po na ang tinutukoy niyo ay si Senator Trillanes,
Gadala gyud ko kay di man ni para sa kontra, naa man daghan man ko dihang security, kanang mag personalay ta’g atubang ba,” the President said in his speech during the celebration of the 17th founding anniversary of Digos, Davao del Sur at the City Gymnasium.

[I’m bringing a gun, not for my enemy because that has already been taken cared of by my security, but in case we face each other.]

At pinagmalaki mo pa na unlicensed ang baril niyo. That’s against the law. Paano susunod sa batas ang mga tao kung ang pinuno nila ay binabalahura ang batas. You even encouraged the peace officer to commit a crime.

Speaking of duwelo,  di ba po may hinamon kayo before sa Davao? Naalala niyo po ba si  Waldy Carbonnell?  Yung intellectual, professor, journalist, commentator? Di ba pinapunta siya ng National Press Club noon, para imbestigahan ang pagkamatay ni Jun Pala,  yung sinabi ni Lascañas at Matobato na pinapatay niyo? Galit na galit po kayo noon tapos hinamon niyo si Sir Waldy ng duwelo, eh pinatulan kayo? Syempre reporter yun daming pinag daanang panganib yun.

Sabi niyo pa nga,

Magdala sya ng dalawang magazine, dalawang bala lang sa akin! Kailangan alas 9 sa harap ng Davao City Hall nandun na siya. “

Dumating daw  si Sir Waldy Carbonell, eksakto, 9am. Wala naman po kayo  dun. Naghintay pa sila kasama ang mga media ng another 15 minutes, ni anino niyo hindi nila nakita. Tapos dumating ang 9:30 ni dulo ng buhok niyo daw po hindi sumulpot.

Luh grabe siya, atapang atao, abilis atago.  😂😂😂

Tapos ngayon maghahamon na naman kayo ng duwelo,  pag pinatulan ka ni Senator Trillanes baka magtago na naman kayo ha.

Wag po kasing ganun, kung walang tinatago ang anak niyo wag syang mag invoke ng 5th amendment. Bakit hindi niya na lang ipakita ang likod niya para mapahiya si Trillanes?

Wag na kayong maghamon ng duwelo, hindi niyo yan malulutas sa kayabangan. Imbes na duwelo baka maging taguan ang mangyari diyan.

Natatawa sa Abilis Atago,

PAB

Source: Manila Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *