Ang Divorce Law At Ang Mga Senador Ng Bansa

Dear Senators,

Nabasa ko yung mga comment niyo tungkol sa Divorce Law na panukala ni Senator Risa Hontiveros.

 

 

Mga Kyah, baka kailangan niyong suriin kung ano ang sitwasyon talaga ng mga couple na naghahangad na magkaroon ng second chance.

First, tayo ang bukod tangi sa buong mundo na wala pang divorce.

 

 

Ang meron tayo ay annulment. Annulment na sobrang mahal! P100,000.00-P150,000 for attorney’s fee, tapos magbabayad ka pa ng doctor kasi yung the most common grounds na ginagamit ay “psychological incapacitated”.

Lawyers have to be paid, psychologists have to be
compensated. A long litigation process is financially-taxing and cumbersome.

Ganito kalala ang sitwasyon mga Kyah. Very anti-poor. Imagine this, kung ang isang labandera binubugbog araw-araw ng asawa niya, tapos iniwan siya at sumama sa iba. Nakatagpo si ateng labandera ng ibang lalaking mamahalin siya. Pero dahil sa sobrang mahal ng annulment, mananatiling nakatali siya sa lalaking nanakit sa kanya. At pag nagkaanak pa si Ate, kawawa ang mga bata. Di ba sobrang kawawa?

R.A. 9262 or the Anti-VAWC Law criminalizes violence in intimate relationships. Yet despite this, marriage between the woman and her abuser is not automatically
invalidated since the State does not recognize VAW as a ground for the nullity of marriage. Under this law, the mother does not get automatic custody over her child,
nor financial support and damages. Should the woman decide to remarry, she could
be charged with adultery.

Sana naman maisip niyo ito bago kayo tumutol sa divorce law.

Senator Bato, Senator Lacson at Senator Villanueva, eto po ang mga salient features ng Divorce Law.

 

Pero suggestion lang po, basahin niyo na lang ang buong bill then pumunta kayo sa mga lugar na kumukupkop sa mga battered and abused women. Pakinggan niyo kuwento nila.

Baka sakali na lang magbago ang isip niyo.

Divorce Law Now,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *