Ang Dating Fake News, Binabalik na Naman

Dear KaPAB,

Kung napapansin niyo sa social media, muli na namang binabalik ng mga fake website ang mga fake news dati noong panahon ng kampanya. Ang goldbar daw na tinago sa Thailand ni Mar Roxas at Pnoy. Resibo.

Samantalang pinabulaanan na ito noong may nag file na kaso. Resibo.

Mali ang mga info na naibigay. Pati position ni Mar Roxas at Senator Delima, wrong din. Resibo.

Ngayong may bumaba sa survey active na naman ang troll farm. Ang dami sa ating mga kababayan ang mabilis maniwala. Kakailanganin ko ang tulong niyo sa paglaban sa fake news.

Alam niyo ba kung gaano sa kanila kabilis gumawa ng fake news? Ganito kabilis. Resibo.

Alam ko po hindi ito madaling laban kasi iilan lang tayo laban sa milyon milyon nilang followers. Pero pag nasa panig tayo ng katotohanan, wala tayong dapat ikatakot.

Nag-iisa lang po ako na admin sa PAB, hihilingin ko lang po sana na pag may nakita kayo na sa tingin niyo fake news, ipadala niyo po sa akin. Kung may resibo panglaban sa fake news pong kasama mas mabuti po.

Sama sama po tayong lumaban sa fake news.

Maraming Salamat po.

Tuloy ang Laban,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *