Ang Daming Time ni Wiggurre

Dear Secretary Aguirre,

Ang daming time niyo na bakante?  Habang nagkakalat ang bangkay sa loob ng isang linggo, ang paglagay talaga sa Witness Protection Program kay Tish Bautista ang pinag kakaabalahan niyo, no?

Ang mga witness sa pagkamatay ni Kian,  nilapitan mo ba sila para maisa ilalim sa witness protection program?  Kung sino pa ang mga mayaman sya pa ang gagastahan niyo sa pera ng bayan, yung mga mahihirap, pinapatay niyo na nga, kinakawawa niyo pa.

Nagfile ka man lang ba ng kaso sa mga pulis na pumatay? Wala no?  Pero busy sa presscon. Ang hirap sa administration ni Duterte ang batas para lang sa mayayaman. Pag mahirap patay agad.

Wala kayong konsensya!

Galit sa Kalbong Mapagsamantala,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *