Ang Bayan Kong Pilipinas

Dear KaPAB,

Tapos na ang bilangan. Lumabas na ang boses ng bayan bagamat naantala ng ilang oras dahil sa technical glitch sa COMELEC.

Alam ko nagtulong-tulong tayo sa kampanya. Naglalakad sa kahabaan ng kalsada sa ating mga lugar para mamigay ng leaflets. Tiniis ang init sa pagkakabit ng posters. Lahat nagsakripisyo para sa bayan.

 

 

Sa limitadong pondo meron ang matitinong kandidato, ginawa natin ang lahat para matulungan sila. Pero mukhang hindi pa din sapat.

Ngayon, ang tanong susuko na ba tayo? Iiwanan na ba natin ang inang bayan? Sana naman huwag natin siyang sukuan.

Madilim man ang pangitain ng bukas, mas kailangan tayo ng bayan ngayon. Mabaon man tayo sa utang, mas madami man ang magiging ulila at masakop man tayo ng China, kailangan pa din ng bansa ang ilaw natin.

Huwag natin sisihin ang mga uneducated voters, hindi natin masisisi kung piliin nila ang kalam ng kanilang sikmura kaysa bumuto ng tama. Hindi sa halalan, natatapos ang pagmamahal natin sa bayan. Walang katapusan ito.

So kahit mahirap, kahit masakit, huwag nating sukuan ang bayan natin ha. Mas kailangan niya tayo ngayon.

 

Tuloy Ang Laban,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *