Ang Bayan Ang Hahatol Kay Bong Revilla

Dear KaPAB,

Ngayon napatunayan na naman natin na ang hustisya ay hindi para sa lahat. Yung taong nagnakaw ng corned beef, pinakulong. Pero yung taong nagnakaw ng milyones, pinawalang sala.

 

 

Paano nangyari na ang kanang kamay niya na si Cambe ay guilty tapos ang amo niya ay hindi?

Huwag nilang sasabihin na staff lang ang nagplunder kasi ayun sa decision, lahat sila kailangan magsauli ng pera!

 

 

Hindi ba kung may sinosoli ibig sabihin may kinuha? Eto pa ang masaklap, tumawad pa at walang plano yatang magsoli nang nakuha nila na pera.

 

 

Nuknukan ng kapal no?

Pilipinas, hindi man tayo nakakuha ng dapat na hatol sa ating justice system now, ipakita natin sa election 2019 na mas mahalaga ang hatol natin sa pamamagitan ng ating mga boto.

Huwag Iboto ang mga involved sa pagnanakaw sa kaban ng bayan!

Yamot sa Corrupt,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *