Ang Batang May Dalang Megaphone

Dear Shibby,

First, gusto ko munang ipaabot ang aking pagbati sa yo at sa mga magulang mo, sa paghirang sa iyo ng TIME bilang 30 Most Influential Teens of 2017. Resibo.

Bilang Pilipino, super proud ako sa yo. I am sure pati pamilya mo ganun din. Your heart is in the right place, kiddo. Matalino kang bata. Mulat sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Pilit mang nagpakalat ng fake news si Mocha tungkol sa rally niyo dati walang epekto yun. Resibo.

Nagpalabas ng pekeng sulat, pero napahiya. Kasi maraming nagtanggol sa inyo. Resibo.

At ngayon kinilala ng buong mundo ang katapangan mo.

Salamat ha, nasa sa gitna ng karahasan pinili mong lumaban sa tamang paraan. Salamat na bagama’t  ang iba ay nawalan ng boses, nahanap mo naman ang sa iyo. Salamat galing sa lahat ng mga naging biktima ng EJK at binigyan mo sila ng boses. Salamat sa katalinuhan mo sa kasaysayan at alam mong hindi bayani si Marcos.

Salamat sa mga magulang mo at pinalaki ka nila na mabuting bata. Salamat sa St. Scholastica at hinubog nila ang iyong kaisipan ng tama. Salamat sa yo, kasi isa kang mabuting halimbawa sa mga kabataan.

Huwag kang magsawang ipaglaban ang bayan ha. Huwag kang mapagod magsalita para sa kabutihan ng bansa.

Maraming salamat sa boses mo, Shibby.

Lubos na Humahanga,

Ate PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *