Ang Bastos Na Duterte Supporter Planong Kasuhan ni Mega

Dear KaPAB,

Over the weekend nabasa natin kung paano magalit si Ms. Sharon Cuneta. Kahit naman sino sigurong Nanay pag ganito kabastos ang mababasa mo, kukulo ang dugo mo.

Sabi ni Ms. Sharon Cuneta kahihiyan daw ang taong ito kay Duterte. In my opinion parang hindi naman. Kasi di ba Duterte openly admitted that he sexually molested their maid when he was young. So pareho lang ang line of thinking nila di ba?

Seryosong kakasuhan ang taong ito na nasa UK pala nakatira. Nag reach out na din ang mga netizens sa employer niya.

Apparently sa Swiss International Airlines pala ito nagtatrabaho.  According to Justice Guevarra nakuha na ni Ms. Sharon Cuneta ang home at employer address ng taong ito.

So malamang tuloy-tuloy na ang kaso. Walang puwang ang ganitong kabastusan sa ating lipunan.

Kahit sinong magulang kung ganitong kabastusan ang makikita na ginagawa sa anak nila ay lalaban.

Yamot Sa Mga Bastos,

PAB

 

Facebook Comments