Dear KaPAB,
Lahat na yata ng uri ng fake news ay binabato na sa ABS-CBN. Ngayon may bagong fake news naman kasi hindi na gumagana ang tax evasion at utang daw. Nadebunk na kasi sila.
FAKE NEWS #1

Ito ang tandem na fake news purveyor. Si Mocha at ang manager niya.
Sa pic sabi ni Mocha Ito daw ang mga tunay na empleyado ng ABS-CBN. Nyek, bakit naka TV5 uniform?

At may pagka-engot din itong manager niya no? Sa PACC dinala eh ano ba ang mandato ng ahensiya? Iniimbestigahan nito ang mga katiwalian sa gobyerno. Private company ang ABS-CBN , dapat sa DOLE siya pumunta. Duh.
FAKE NEWS #2

Ang ABS-CBN Foundation na naman ang tinira. Syempre nadebunk Ito kaagad ng mga netizen. Sabi ni Sir Deodato Malaya na isang accountant
“Fake news.The foundation was built by ABS-CBN Corp and some private donors which were all given Certificates of Donations to claim their expenses as charitable contributions. It is audited by SGV and Company. I worked there before as Accountant and Budget officer
The Eugenio Lopez Jr Bldg (not Gabby) used by Ateneo School of Medicine is named after him because the lot where it stands belongs to the Lopezes and was donated to them.”
Fact, maraming natutulungan ang ABS-CBN Foundation. Pero itong mga trolls nagkakalat talaga ng fake news.
FAKE NEWS #3

Eto Naman galing kay Jay Tonta este Sonza. He is claiming na Hindi 11,000 ang employee ng ABS-CBN.
ITO ANG TOTOO:
As of 2018 (since filing pa lang ang 2019):
6,730 regular
900 non-regular
3,325 talents/project-based
total = 10,955 employees
expected headcount growth is 2%, kaya nag come up ng estimate na 11,000
RESIBO: page 17, 2018 Annual Report

Ang nakita lamang ni Jay Sonza ay numbers reflect ONLY the employees of ABS-CBN, not the subsidiaries. Syempre tamad silang magresearch eh. Kaya umabot ng 11,000 kasi kasama ang mga subsidiaries ng company.


So hindi nagsinungaling ang ABS-CBN Ang fake news si Jay Sonza!
ALAN “KALDERO” CAYETANO
Eto naman si Speaker of the house, lahat na lang ginagawang palusot.

Ang reason niya puwede naman daw mag operate kung mabibigyan ng extension ng NTC. Luh fake news iyan. Iba ang sinasabi ng Malacañang.

Feeling ko, kaya ayaw talakayin ni Cayetano ang franchise Kasi mapapahiya siya kasi maraming mag #YeaToFranchiseRenewal. Makikita ng mga tao, wala na siyang liderato.
Fake news, fake excuse lahat ng paraan ginagawa para ipitin ang ABS-CBN. May desperado na.
Yamot Sa Sinungaling,
PAB
P.S. thank you Kay JP Soriano sa resibo.
