Ang Bagong Palusot ni Mocha Uson

Dear Ate Mocha,

Nabasa ko ang panibagong palusot mo.

Sarcasm?  Eto ang post mo.

Paano naging sarcasm yan? Eh nagshare ka pa nga mula sa ibang tao?  Parang symbolism na naman ito tulad ng pekeng picture ng mga sundalo?

Let’s pray for our army, pero mga pulis sa Honduras ang nasa post?

Tapos ang palusot mo symbolism?  Kung hindi ka nacall out sa pekeng tatoo post, ieedit mo kaya ng ganito?

Ano?  Kami na lang lagi mag aadjust sa katangahan mo?  Wag ako, ate Mocha. Ikwento mo yan sa pagong palusot baka maniwala sila sa yo.

Yung palusot mo kay Trillanes, na ang nag post ang nagtanggal, aruuu, para namang hindi mo kaberks ang nag post.  Wag ka nga, nahuli lang kayo na peke kaya dinelete niyo.  Napahiya kayo eh. Naturingan ka pa naman na government employee pero sinungaling ka, binabalahura mo ang position mo.

At sinasabi mo about sa blog namin na wag iclick kasi pinagkakakitaan?  Eh di inamin mo din na pinagkakakitaan mo ang mga followers mo.  Ayan oh.

Eto pa. Galing din sa blog na nabibilang sa listahan ng fake sites.

At ito pa.

Eto ang fake website na ginamit niyo ng election time. Lagi mo itong sinishare di ba?  Tapos pagclick ng followers mo, may another link na naman at another link? Wag kang ipokrita!

Ako ang reason ko for creating the blog is to protect the page na paulit ulit nirereport ng mga trolls mo.

Kung may mukhang pera man dito, ikaw yun. Niloko mo ang mga followers mo, mula nung kampanya hanggang ngayon sa pagpopost ng mga fake website.

Pinagkakitaan mo na sila, basura at fake news pa ang binibigay mo.

May sarcasm ka pang nalalaman, tse!  Manloloko ka!  Niloloko mo mga followers mo.

Sayang ang tax ng taong banyan na pinapasweldo sa yo.

Yamot sa Ipokritang Sinungaling,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *