Ang Bagong Kahihiyan ng Bansa

Dear President Duterte,

Nilagay mo na naman sa kahihiyan ang ating bansa lalo na ang mga kababaihan. Ano po ang pumasok sa isip niyo para sabihin to sa byahe niyo diyan sa India.

Alam niyo ba ang mga statement na to ang magpapahamak sa ating mga kababaihan sa ibang bansa? Ang yabang yabang niyo pang sinabi na, pag may maaabuso pa sa mga OFW natin sa Kuwait, papauwiin mo sila.

Pero sa sinabi mo nilagay mo na naman sila sa kapahamakan. Tama bang ilako mo kababaihan natin na parang mga karne sa palengke?

Nagpabibo ka pa , sabi mo Muslim martyrs will get *42 virgins* when they go to Paradise.

Mali po kayo noh. Fake news kayo!

The Islamic hadiths, or narrations of the teachings of Prophet Muhammad (sallallahu alayhi wasallam), says it is actually seventy two (72) wives. Resibo.

Luh, sya nag imbento ng teachings. Yung 72, naging 42. Kinupitan pa.

Gaya gaya kayo ng Assec. Mocha niyo po, mahilig mag imbento, sya ng geography din. Pakisabi isoli na niya ang Mayon Volcano.

Baka makarating yan sa Malacañang masabugan ka pa. Tse!

Ang point ko lang dito bida na naman po kayo sa kabalahuraan sa International community. Resibo.

May pereception ang mga Arabo na ang Pilipinas at Thailand ay “sex destinations”, because of this statement, this view will solidify.

Sa tingin mo igagalang pa ng ibang maniac na arabo ang mga empleyadong Filipino ngayong balita na mismong presidente ay nilalako sila ng parang karne sa palengke?

Sana naman bago kayo magsalita mag isip muna kayo.

Tutal kasama mo naman si Assec. Mocha lagi, you should encourage each other na magbasa bago kumuda. At mag workshop sa public speaking. Nilalagay niyo lagi sa kahihiyan ang Pilipinas eh. Pinahamak niyo pa ang mga kababaihan.

Yamot sa Bastos,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *