Ang Araw Na Namatay Ang Hustisya

Dear CJ Sereno,

Para po sa akin, ikaw pa rin po ang Chief Justice. Sa law school natutunan ko na ang pagtanggal nila sa inyo ay unconstitutional.

Malungkot na araw ngayon sa bansa, kasi ang araw na to, pinanindigan ng walong mahistrado ang pambabalahura sa ating constitution.

Masakit mang isipin na kayang bastusin ang Saligang Batas para sa kanilang pansariling interest, pero hindi dito natatapos ang laban para sa bayan.

Alam ko po na maaaring sinara ng tao ang pinto, pero naniniwala po ako na mas may greater purpose po kayo. Maaring ang tunay na calling niyo po ay sa Senado, kung saan maari po kayong makagawa ng tamang batas na magpoprotekta sa taong bayan.

Kung magdesisyon po kayong tumakbo, asahan niyo po na susuporta po ako. Oras na, para ilagay natin ang mga tamang tao sa Senado.

Patuloy na Humahanga,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *