Ang Alamat ng Disappearing Shabu

Dear President Duterte,

Naalala niyo noong kasagsagan ng hearing ng 6.4 bilyon na shabu? Noong time ni Faeldon? Wala din kayong comment doon. Hindi namin narinig comment niyo na kaibigan pala ng anak niyo yung middle man.

Tinanggal niyo sa BoC si Faeldon, nilipat niyo lang din naman. Dahil ninong kayo ng anak niya?

Tapos eto na naman si Commissioner Lapeña, pilit sinasabi na ang laman ng cylinder na nakita ng PDEA ay hindi shabu. Kahit naamoy na ito ng drug sniffing dogs ha.

Ang masaklap pinagmamalaki mo pa na you still trust this guy.

Seryoso po ba talaga kayo sa laban niyo against drugs? Kasi in denial kayo sa nangyayari eh.

Ser, 6.8 bilyon worth na shabu ang nakalusot, dapat nagwawala na kayo sa galit. Dapat sinasabon niyo na si Commissioner Lapeña, by now.

Pero kabaliktaran ang mga nangyayari. Bakit mas parang pinupuri niyo sya? Anong meron?

Duda sa mga Pangyayari,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *