Martin Andanar, #YouHadOneJob

Dear Secretary Martin Andanar,

Nagsisimula na naman po kayo. Baka isang linggong katangahan na naman to ha. Nakita ko po ito sa website nyo, hindi ko alam kung sobrang excited lang kayo o wala man lang nakapagresearch kahit isa man lang sa inyo.

Di po ba ang nagdonate ng 15 million ay ang China? People’s Republic of China.  Kasi kung Republic of China lang, Taiwan na po yun, magkaiba po sila.

Binigyan na nga tayo ng pera, minali niyo pa ang spelling ng pangalan ng ambassador nila. Luh, grabe siya oh, daming palpak in one document.

Sa laki ng budget nyo di man lang kayo makahire ng matinong staff. Wag kasi troll ang gawing staff kaya lagi kayong nababatikos eh. With your budget, dapat mga excellent ang staff niyo.

Ano naman kaya ang palusot na maiisip niyo?  Gasgas na ang “symbolism”… Try niyong aminin ang kapalpakan para sa sunod matuto kayong gumawa ng pulidong output.

Sinasayang nyo ang pera ng bayan.

Inis sa Palpak,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *