Anak ng Drug Queen, may Police Security and Protection Group

Dear President Duterte,

Anyare po? Akala ko po ba ayaw niyo sa droga? Bakit po may SAF at Police Security and Protection Group ang isang anak ng  Drug Queen na hinuli ng PDEA. Resibo.

Luh, yung anak may guwardiya na galing sa inyo? Grabe naman po yan. Ayon po sa report, nahuli ang anak sa lugar na 600 meters away from Malacañang palace. Resibo.

Pero binago ng Inquirer ang report, hindi daw PSG kung hindi Police Security and Protection Group. Resibo.

Ang mandate ng PSPG ay mag escort sa mga government official, foreign dignitaries and certain private individuals na pinapayagan ng PNP. Luh, anyare po kay General Bato?

Ang lapit lang pala sa inyo, hindi niyo man lang naamoy? Sabagay pinapaguwardiyahan pa pala si Atiii sa Public Security and Protection Group.

Luh, caterer pala to sa BuCor, baka gusto niyong tanungin si Aguirre kasi naipupuslit pala niya ang shabu oh. Kaya hindi matigil pala ang shabu sa Bilibid.

10 million worth of shabu ang nahuli oh. Grabe pala kadami. Pero ang malaking katanungan,

BAKIT PO MAY Police Security and Protection Group? Tax namin ang nagbabayad sa guwardiya niya?  Luh, grabe oh.

Medyo Nagdududa Na,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *