An Open Letter to VP Leni Robredo

Dear VP Leni,

Last December ko pa sinimulan ang sulat na to, ngayon ko lang natapos.

Alam ko po marami sa inyong nagtatanong kung tatakbo ba kayo o hindi. At naiintindihan ko po kung bakit pinag-iisipan niyo ng maigi ang magiging desisyon niyo. Sa loob ng apat na taon nakita ko po kung paano inalipusta ng mga DDS ang pagkatao niyo. May mga pagkakataon na pati mga anak niyo nadamay na. Kahit sinong ina pag-iisipan talaga ang laban na susuungin lalo na kasama ang anak sa pagpasok sa panibagong laban na ito.

Sa loob din ng apat na taon nakita namin kung paano ang ginawa mong pagsisilbi mo sa bayan. Sa gitna ng pandemya, nakita namin kung paano nakatulong ang bawat proyekto ng OVP.

Mula sa libreng sakay at libreng dorm para sa mga frontliners, hanggang sa paghahatid ng mga pagkain sa mga LSI.

Sa gitna din ng sakuna, hindi mo din kami pinabayaan. Ikaw ang nanguna sa pagtulong at inaabot talaga ang mga nasa laylayan.

Hanggang ngayon, tuloy-tuloy pa din ang pagtulong ng opisina mo. Nakita namin na halos wala ka ng pahinga. At sobrang naaapreciate namin yun.

Kailangan ng Pilipinas ng leader na magbibigay ng inspirasyon. Isang leader na walang bahid ng corruption. Isang leader na ang puso at para sa mahihirap. Isang leader na papahalagahan ang mga Pilipino at ipagtatanggol ang ating teritoryo.

KAILANGAN PO KAYO NG BAYAN.

Naiintindihan ko din po ang inyong agam-agam.

TROLL FARM

Oras na tumakbo po kayo, expected na po na lahat ng klaseng fake news ibabato sa inyo. Masasaktan po kayo ng paulit-ulit. Pero iba na po ang kuwento ngayon kaysa 2016. Ngayon, lumalaban na mga tao against fake news. Yung mga media din tumutulong na din sa fact-checking. Kaming mga supporters mo, ipaglalaban ka namin. Tulong-tulong kami para ipagtanggol ka.

SURVEY

Maaaring  iniisip niyo din ang survey results. May tiwala po ako Ma’am na kakayanin nating ma-overcome yun. Naipanalo natin ang 1% dati, kakayanin din natin itawid ito. Kasama mo ang bawat Pilipino na umaasam ng tunay na pagbabago.

CAMPAIGN FUND

Eto malaking problema talaga kasi di naman kayo kurakot gaya ng iba. Pero dito na papasok ang bayanihan. Bawat supporter niyo po handang tumulong. Mula 100 hanggang ilang libo, bawat isa handang magbigay para sa kinabukasan nila.

Ma’am, sa ngayon magdadasal po kami, na sana ibigay ni God sa inyo ang tamang desisyon. Ano man ang maging desisyon niyo po, maiintindihan namin.

Sa ngayon, gusto lang namin sabihin na kailangan po kayo ng bayan. Mahal po namin kayo at sasamahan po namin kayo hanggang dulo.

 

Lubos na Gumagalang,

PAB