An Open Letter to Brilliante Mendoza

Dear Direk,

Alam ko po na isa po kayo sa mga batikang director sa Pilipinas. Lalo po kayong sumikat, noong kinuha po kayo ni Duterte sa una niyang SONA. Yung SONA, na halos mahilo ako sa galaw ng mga camera. Ginawa niyo pong parang ferris wheel ang mga kuha niyo.

Then sa second SONA, kinuha po kayo uli, ngayon sabi niyo mas intimate at lalo niyo pa pong gagalingan. Pero naman, Ser , hindi niyo naman sinabi na aabot sa pores ng uling ni Duterte ang pagiging intimate ng kuha niyo.

Luh sya pati crater ng mukha tinutukan talaga.

Tapos ngayon may show kayo sa Netflix. Yung amo na sabi niyo na magjujustify sa war on drugs.

Drug war is necessary? Sige nga paano mo yan masasabi sa mga inosenteng nadamay sa drug war?

Luh grabe sya, pati ang sitwasyon na maraming namatay na bata, pinagkakitaan pa. Sana gamitin mo ang talento mo sa tamang paraan.

May other side of the coin ka pang nalalamam. Ang dami nang namamatay pero nakalalaya pa din mga drug lord. Wag kang ipokrito. Imulat mo ang mata mo sa madugong daan na tinatahak ng bansa.

Kadiri to, tse!

Yamot sa DDS na Director,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *