An Apology Na Para Namang Hindi Sincere Na Apology

Dear Bong Go,

After mong paulit-ulit mong balahurain si Kris Aquino sa bawat campaign sortie, sasabihin mo ginawa mo lang para magpatawa?

 

Nagpapatawa? Sa pamamagitan ng pambabalahura ng isang babae? Luh, to think she consider you as her friend.

Yung alalay mo naman, kahit alam niyang madadamay ang anak niyang special child, go pa rin.

Hindi na kayo naawa sa bata.

Paulit-ulit na pambabastos.

EPAL

Halos binalot mo na nga ng poster mo ang bawat kanto ng bansa, happy ka pa nakuntento pati ang mga project ng pamahalaan, nakabalandra ang pangalan at pagmumukha mo.

USER

Ginamit mo si Kris at ang kanyang pagkalugmok sa kanyang nakaraan para gawing katatawanan sa kampanya mo. Hindi mo naisip na in the process ay may epekto ito sa kay Josh.

BASTOS

Binastos mo sila ng paulit-ulit-ulit. Ginawa mong katatawanan ang kapalaran ng mag-ina.

Maaaring tinanggap ni Kris Aquino ang pag apologize mo, pero pinatunayan mo naman sa taong bayan na wala ka talagang plataporma. Kasi “comedy skit” lang ang kaya mong gawin to the point na pambabastos na.

Walang lugar sa Senate ang mga epal, user at bastos.

Yamot sa Bastos,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *