Ampunin Si “Pilo”!

Dear Atty. Florin “Pilo” Hilbay,

Pangatlong sulat ko na to. Mangungulit pa din ako at hindi nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na sana tumakbo kayo sa pagkasenador.

Madami akong dahilan kung bakit ko po kayo kinukumbinsi.

1. Bilang taong lumaki sa tondo alam ko po na mas maiintindihan niyo po ang mga dinaranas ng mga ordinaryong tao sa lipunan.

2. Bilang isang anak ng kasambahay at ng isang messenger at lumaki sa pamilyang payak ang pamumuhay pero nagsikap maging abogado, isa kang mabuting halimbawa hindi lang sa tondo kung hindi sa bawat kabataan ngayon.

 

3. Bilang Top 1 sa bar exam pinatunayan mo sa lipunan na hindi hadlang ang kahirapan para magtagumpay ka sa buhay.

4. Bilang Solicitor General, pinakita mo sa amin kung paano mo pinaglaban ang West Philippines Sea sa Hague. Kasama ng mga batikang mga abogado at experts naipanalo niyo ang karapatan natin. Nakakalungkot lang at pilit itong binabalewala ng administrasyon ngayon.

5. Bilang abogado pinakita mo sa amin kung paano mo pinaglaban ang RH Bill. Ngayon nakikita ko kung paano ko lumilibot sa buong bansa para ipaliwanag ang epekto ng federalism at TRAIN.

Mula Vigan hanggang Palawan, hindi ka napapagod ipaliwanag sa mamamayan ang bawat konsepto na kailangan nilang malaman.

Alam ko na isa sa mga takot mo ay wala kang pondo para sa campaign mo. Pero gusto kong malaman mo na marami ang gustong sumusuporta sa yo. Ang kampanya mo puwedeng umikot sa volunteerism. At I am sure madami ding magbibigay sa #LimangPisoParaKayPilo.

Kung nagawa before kay Senator Rene Saguisag at inampon siya ng taong bayan, puwede rin itong gawin sa ‘yo ngayon.

“Ampunin Si Pilo, Dalhin Sa Senado”

Ang tao, ang bayan ngayon ay nagsasalita na. Kailangan ng matinong tao sa senado.

“Isa lamang po sa
labindalawa. Isang boto para sa bayan; isang boto
para sa PILOpino.”

Malapit na ang October, sana bulungan ka ng Diyos na tumakbo. Sir, kailangan ka ng bayan mo, kailangan ka ng Pilipino.

Isang Supporter,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *