Alvarez Walang Respeto sa Korte Suprema

Dear Speaker Alvarez,

Nabasa ko ang statement niyo kanina about sa gagawin nyo sa Supreme Court.

Pupunitin talaga?  Ganyan ba ang ugali ng isang mambabatas?  Baka nakakalimutan nyo na equal lang po kayo ng Executive at Judiciary. In the first place hindi na sana aabot sa Supreme Court kung ginawa nyo lang ang trabaho nyo. Ayon sa Saligang Batas you need to convene after 48 hours after matanggap nyo ang declaration of Martial Law. Pero ano ang ginawa nyo?  Sinuway nyo ang constitution. Instead of discussing the merit of the declaration, pirma2x na lang then nag excursion na kayong mambabatas.

Congress

At saka abogado kayo di ba po?  Dapat alam nyo ang concept ng check and balance. Ang pagiging isang congressman ay hindi nadadala sa drama or payabangan. Sumunod kayo sa Constitution, kung ayaw niyong mapuna. Hindi po kayo si Cardo ng Ang Probinsyano para magdrama. Gawin nyo lang ang trabaho nyo nang tama.

May papunit punit pa kayong nalalaman, tse!

Galit sa Madrama,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *