Alvarez vs Alvarez

Dear Speaker Alvarez,

May split personality po ba kayo?

Natanong ko lang po kasi noong ang daming nagrereklamo sa decision ng Supreme Court sa paglibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani , ang sabi nyo sa Kamara, dapat irespeto ang desisyon ng Supreme Court.

Tapos ngayon na puwede kayong macompel ng Supreme Court to convene, sasabihin nyo hindi nyo irerespeto ang Supreme Court at pupunitin nyo desisyon nila.

Bat po ganun, ginagamit nyo lang po ang batas pag pabor sa inyo?  Pag hindi binabalahura nyo.  😏😏

Oo nga pala, totoo po bang 4 na batas lang ang naipasa ng Kongreso?  Sa isang taon, apat lang?  Sabagay busy kasi kayo sa hearing ng mga imbento na kaso for Delima no?  Muntik nyo na nga pong ipalabas ang sex video sa kamara di ba kung hindi lang kayo nabatikos?  Parang mga maniac lang na nanonood ng bold show kung hindi yun napigilan.

By the way, before I forget next time po tubuan po tayo ng hiya ha, wag isama ang kabit sa official travel. Hindi obligasyon ng mamamayan na gastusan ang inyong PAKIKIAPID.

Galit sa Maniac,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *