Aling Persing, Ikaw ba Iyan?

Dear Senator JV Ejercito,

Natawa ako sa column mo noong Aug 18.

Talagang babanggitin ang Dengvaxia? Di ba ang layunin ng Universal Health Care Bill ay para magkaroon ng libreng health care para sa lahat? Ang layunin nito ay para magkaroon ng adequate health care ang bawat Pilipino, so bakit niyo po kinabit ulit sa Devangxia? Para na po kayo si Acosta, konting kibot Dengvaxia agad ang dahilan.

Your very own statement, “pinaniniwalaang”. Sino ang naniniwala? Si Acosta? Si Thinking Pinoy? Ikaw? Eh yung mga expert nga sinasabi na hindi sila sigurado eh.

Pero yung post mo para kang propagandista creating a dengvaxia scare. You are not even a doctor to begin with.

Alam mo ba dahil sa mga ganyang statement natatakot na ang mga bata magpabakuna? Kaya nagkakaroon ng mga measles outbreak.

Bossing you can promote your bill na hindi sumasakay sa bandwagon ng Dengvaxia scare. Kasi hindi naman sakit ang Dengvaxia. Vaccine po siya.

Kalurkey po kayo talaga.

Yamot sa mga Mahilig Sumakay sa Issue,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *