Alejano To Bong Go: Huwag Gastusin ang Pera Ng Bayan!

Dear Bong Go,

May message po sa iyo si Gary Alejano. Basa.

MR. BONG GO, LUMABAN KA NANG PATAS. TIGILAN MO NA ANG PAGGAMIT NG MGA KAPITAN AT PONDO NG GOBYERNO SA IYONG KAMPANYA.

Nagulat ang mga Kapitan ng Barangay nang tinignan ang nilalaman ng kit na kasama sa binayaran nila ang polo shirt na may tatak na Bong Go.

 

Kamakailan lang nagkaroon ng 1st Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National Assembly na dinaluhan ng mga LnB Presidents, mga kapitan at SK Presidents.

 

 

Ang kanilang registration fee at iba pang expenses ay charged sa local funds as per DILG Memorandum Circular 2019-23. Ibig sabihin charged sa pondo ng gobyerno.

Ang registration fee na umabot ng mahigit P19,000 (tignan ang kalakip na dokumento) ay para sa gastusin ng attendees at kasama dito ang kit na naglalaman ng nasabing polo shirt.

 

Ang panawagan ko sayo Bong Go ay tigilan mo na ang pag gamit sa mga Kapitan at pondo ng gobyerno para sa personal mong kampanya. Dahil ito ay maliwanag na isang election offense.

#SundaloNgPilipino
#GaryAlejano
#AlejanoSaSenado
#Magdalo138

In short, huwag daw makapal ang mukha.

 

Yamot Sa Epal,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *