Akala natin, Pagbabago

Dear Tatay Digong,

May itatanong lang po sana ako. Naalala niyo po ba tong sinabi niyo dati? Resibo.

Sabi niyo po, amoy lang ng corruption, out na agad. Barado po ba ilong niyo? May sipon kayo?Bakit po ito nangyayari ngayon? Resibo.

Etong dalawang appointment na pinirmahan niyo ay parang mali po. Yung reappointment ni Maestrecampo at Gambala ay parang nakakaloko. Resibo.

Etong mga taong to ang binanggit ni Taguba na involve sa corruption dun sa 6.4 billion na shabu. Resibo.

So bakit niyo sila ini appoint uli eh nagresign na nga sila sa BoC. Tay, 6.4 billion na shabu ang pinag uusapan natin dito. You know, drugs, shabu, druga? Yung laging bukambibig niyo po? Resibo.

Anong meron sa dalawang ito at binalik niyo sa trabaho pero ibang department lang.

Ano ba talaga po ang programa niyo sa corruption at droga? Pag mahirap, patay agad? Pag naakusahan na involve sa 6.4 bilyon na shabu, na kung saan kasama din sa naakusahan ang anak niyo, bibigyan uli ng bagong trabaho? Luh, grabe siya oh.

Tay, ito ba ang pagbabago? Para naman po itong panggagago eh.

Yamot sa mga Manloloko,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *