Akala ko ba Hindi Totoo ang Bank Account? So Tama si Senator Trillanes?

Dear President Duterte,

So totoo pala ang bank account na bilyones niyo? Kasi dinemanda niyo po si Deputy Ombudsman Carandang oh. Resibo.

Sabi niyo dati hindi totoo. Todo deny pa kayo. Sabi niyo pa nga po we can shoot you pag lumagpas sa 40 million ang pera niyo. Resibo.

Paano yan? Puwede po ba kayo na lang magbaril sa sarili niyo kasi kung ibang tao, baka makulong pa sila.

Yung ginawa niyo, that is illegal po. Ground for impeachment. Alam niyo po kung bakit? Kasi po may jurisprudence na po yan. Decision sa isa sa mga kaso ng 2014. Resibo.

Ayon sa Jurisprudence po, wala po kayong karapatan to discipline a Deputy Ombudsman. Eto po ang kopya ng kaso, basahin niyo uli.

This is how the Supreme Court voted this case.

In the voting held on January 28, 2014, by a vote of 8-7,108 the Court resolved to reverse its September 4, 2012 Decision insofar as petitioner Gonzales is concerned (G.R. No. 196231). We declared Section 8(2) of RA No. 6770 unconstitutional by granting disciplinary jurisdiction to the President over a Deputy Ombudsman, in violation of the independence of the Office of the Ombudsman.

Klaro po yan ha, unconstitutional daw ang pag grant ng disciplinary jurusdiction sa Presidente over the Office of the Ombudsman. So ang ginagawa niyo na panggigipit ay hindi naaayon sa Saligang Batas. Ground for impeachment.

Pero sa lahat ng batas na nilabag niyo, dito po namin napatunayan na tama pala ang Inquirer, Tama ang Vera Files at higit sa lahat tama si Senator Trillanes. You have an unexplained wealth.  Niloko niyo supporters niyo na umaga at gabi kayong pinagtatanggol. Niloko niyo ang taong bayan.

Hindi kayo ang bayaning hinahangaang ng mga supporters niyo, kasi po paulit-ulit kayong nagsisinungaling.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *