Aguirre: Paranoid na Sinungaling pa?

Dear Secretary Wigguere,

Hindi ko alam kung saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha. Sa gitna ng dinaranas ng mga kababayan natin sa Mindanao nakukuha niyo pa talagang mag imbento ng tsismis. Pang ilang beses mo na ba ginawa ito? Gagawa ka ng intriga tapos iiwan mo sa ere kasi wala namang proof, tapos pagpipistahan naman ng mga trolls.

Naalala mo nung may pinatay na Korean sa crame?  Dinamay mo pati Korean Embassy samantala member ng PNP ang may kasalanan.

Noong na-issue ka sa pag-bribe ng mga inmates, nagpakalat na naman ka ng chismis para hindi ka mapagbingtangan. Dinamay mo sina Jamby Madrigal at Mayor Len Alonte. Kinabukasan, nag-sorry ka. Ang kapal mo lang po talaga.

Syempre wag nating kalimutan ang favorite mong gawan ng kwento si Senator Delima na kulang na lang, pati pag utot mo ay isisi mo sa kanya.

Now, ang bago mong imbento, na sina Sen. Bam Aquino, Sen. Antonio Trillanes, at Rep. Gary Alejano naman daw ang may kasalanan sa Marawi attack.

Sabi mo May 2 sila nagkita, samantalang May 19 pumunta pumunta si Senator Bam. Sa date palang huli ka na eh kasi nung May 2 nasa PUP si Senator Bam Aquino. Napaka sinungaling mo. Abogado pa naman kayong naturingan.

Dinamay mo pa ang ibang tao. Nagsalita na ang secretary of DTI na si Mon Lopez about that meeting na para yun sa launching ng Negosyo Center . Pero syempre,  since mahilig ka sa fake news, eto ang pinaniwalaan mo. Ang fake news na page ng isang Duterte propagandist.

Alam nyo po, ang mas mabigat pa sa pagsisinungaling nyo ay ang katotohanan na sa gitna ng paghihirap ng mga taga Marawi, nasikmura mo pang gamitin ang kanilang sitwasyon sa pamumulitika.

Wala kayong konsensya!  Sinungaling na paranoid pa. Isa kang tsismosong abogado na dahil walang achievement sa position ay nagiimbento na lang ng kwento. Kadiri!

Wag mong iterno ang pagmumukha mo sa ugali mo, kasi papakyawin mo na lahat.

Galit sa Pangit na Abogado,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *