Aguirre at Calida May Kailangan Ipaliwanag

Dear President Duterte,

Kumusta naman ang mga “hitman” niyo? Hitman niyo sa mga babaeng pinag iinitan niyo sa gobyerno.

HITMAN 1

VITALIANO AGUIRRE

HITMAN mo siya kay Senator De Lima di ba? Yung mga imbentong kaso niyo at mga drug lord na testigo siya ang may pakana. Ngayon lumalabas na ang mga bago na nadiskubre ng COA. Milyones na napunta sa mga unathorized bank accounts. Mga Payroll na walang supporting documents.

So ganun na lang, wala nang accountability kasi resign na? Baka gusto niyong habulin siya para panagutin. Yun kung seryoso kayo sa kampanya niyo against corruption.

HITMAN 2

SOLICITOR GENERAL JOSE CALIDA

Wow, almost P40,000,000.00 na kontrata? Hindi ba pag nasa gobyerno ka hindi ka dapat sumali sa mga ganyang proyekto? Siya ang ginamit niyo na “hitman” kay CJ Sereno. Samantalang hirap na ang mga tao sa TRAIN yung mga tao niyo kaliwa’t kanan ang kawalanghiyaan.

Yung taga Marawi nagtitiis sa evacuation at minsan wala sa oras pagkain nila, pero ang mga alipores mo, walang pakundangan gumasta ng pera ng bayan.

Eto ba ang whiff of corruption? Neknek niyo po!

Yamot sa mga Corrupt,

PAB

 

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *