AFP = Integrity

Dear General Año and Secretary Lorenzana,

First po, gusto ko pong magpasalamat sa patuloy niyong pakikipag laban sa Marawi. Nakikiramay din po ako sa mga sundalong nasawi.

Sir, maraming beses niyo na pong naipakita sa amin na ang inyong loyalty ay laging sa constitution at sa bayan. Masaya po kami na ang loyalty niyo po ay hindi nakasalalay sa iisang tao.

Sir, nabalitaan ko po na nirecommend ng  AFP ang extension ng Martial Law sa Mindanao.  Naiintindihan ko po na you need more time para matalo ang mga terroristang Maute. Pero kayo din po ba ang nagrekomenda ng date na hanggang Pasko ang extension?  Sana po hindi na umabot sa ganoon kalayong date. Kawawa po ang mga kababayan natin sa evacuation center. Kawawa po ang tourismo sa Mindanao.  Kawawa po ang ekonomiya doon.

Panatag po ang loob ng mamayan kasi nandiyan kayo. Alam ko po  na hindi kayo masisilaw sa pera o sa kapangyarihan. Pero sana matapos na ang bakbakan para hindi na under martial law ang buong Mindanao.

At saka po, puwede pakisabi kay President Duterte na niloloko lang sya ng mga NPA, sa peace talks na yan. Patuloy pa rin naghahasik ng lagim ang mga NPA.

Muli po, maraming salamat po sa sakripisyo niyo po para sa bayan.

Isang snappy salute mula kay PAB.

Lubos na gumagalang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *