Administrasyong Burara

Dear Duterte Administration,

Pansin ko po lagi kayong nawawalan ng mga importanteng documents. Kahapon sabi ng LTFRB nawala daw po ang accreditation paper ng Uber and Grab.

Sabi ni Aileen Lazada pagpasok nila daw wala na ang papers. So wala man lang nag inform sa Uber at Grab na wala na pala silang papel for approval na hinihintay. At naghintay kayo ng isang taon bago niyo ipaalam sa publiko?  Magandang script po yan. Puwede niyo pong mapaniwala diyan ang less than 16 million na DDS,  pero po yung mga taong nag-iisip hindi po kayo paniwalaan. Wag niyo po sanang gawing tanga ang taumbayan. Ano po ba ang kinakagalit niyo sa Uber at Grab?  Ngayon imbes mapadali ang proceso uulit na naman sila kasi sabi niyo nga “nawala”. Either niloloko niyo kami or burara po kayo.

Kanina naman, ang PNP naman ang nagkalat.

Winala ang paper request ng Liberal International President. Minoves, kaya hindi pinapasok para dumalaw kay Senator Leila.  Hanggang kailan niyo po papaikutin ang mga Pilipino?  Hanggang kailan niyo po kami bibigyan ng kahihiyan sa buong mundo?

Palpak na nga po kayo, ngayon naman burara pa, aba, wag niyo namang pakyawin lahat.

Magkaroon po ng hiya, paminsan minsan.

Yamot sa Burara,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *