Accreditation daw?

Dear PCOO,

Balita ko gusto niyo daw pong magkaroon ng accreditation ang mga bloggers para payagan na magcover sa Presidente. Isa sa mga guidelines na magkaroon lang ng 5000 na followers, puwede na.

The PCOO’s Social Media Office – headed by Communications Assistant Secretary Mocha Uson, an entertainer and a blogger with a following of more than five million on Facebook who supported President Duterte during his campaign – will issue the accreditation.”

First let us define blogger. A blogger is a person who regularly writes material for a blog.

Now let us define blog.

  • A blog originally came from the word “weblog” or a “web log”.
  • You can think of it as an online journal or diary, although blogs are used for much more now, like online journalism.

So therefore Asec. Mocha is not a blogger. Yung meron sya ay facebook page with millions of followers. So paano gagawa ng guidelines sa mga bloggers ang isang tao na wala namang blog?

Itong blogger accreditation niyo more like a troll accreditation kasi anything goes. Puwedeng magmura and all. Ang isang reporter bago pa makaabot ng Malacañang beat, dumadaan muna sa baba,  nag aaral muna ng 4 years sa larangan ng pamamahayag.

Pero ngayon 5,000 followers lang sa Twitter at FB OK na? Alam niyo naman siguro na nakakabili ng followers sa twitter, right? At dahil most of DDS may troll farm getting 5000 followers will be easy.

Feeling ko tuloy this accreditation ek-ek niyo is more like troll accreditation. Kung sasama mga yan magcover sa pangulo, sino ang magpapakain niyan?  Kung sa ibang bansa, sino mamamasahe niyan?  Sasakay sa private plane na ang gagastos ay buwis ng bayan?

Kung gusto niyo lang mapabango ang presidente yung mga DDS bloggers are doing it now kahit walang accreditation.

Wag niyong balahurain ang Office of the President kasi hindi naman forever president si Duterte. At please wag niyong sayangin ang pera ng taong bayan.

Yamot sa Makapal ang Mukha,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *