Accomplishment daw ni Calida

Dear Solicitor General Calida,

Mag kamag anak po ba kayo ni Secretary Aguirre? Kasi halos pareho po ang ugali nyo. Magkamukha din po kayo ng konti. Parehong magaspang. Sabi nyo po kanina, eto po ang mga accomplishment niyo:

–  West PHL sea win

– De Lima charges

– Marcos hero’s burial,

– Readiness to defend Mindanao martial law

Isa isahin natin ha, una yung West Philippines Sea,  ang kapal niyo naman pong angkinin ang pagka panalo natin sa International Court laban sa China. Ni isang pirasong papel wala po kayong nacontribute dun. Luh sya, nang aangkin ng accomplishment ng iba. 😂😂😂

Pangalawa yung Delima Charges,  hindi accomplishment yun, kahihiyan yun kasi nam bribe kayo ng witness para lang maka imbento kayo ng kaso. Remember ginawa nyong state witness mga drug lord?  At eto pa ha,  until now laganap pa din ang droga sa bilibid at magpapalit na naman ng guwardiya ang kamukha niyo na si Aguirre. See palpak ang imbentong kaso niyo.

Pangatlo, Marcos burial?  Hindi mo accomplishment yun, ang bobo mo nga during oral arguments eh. Di ba kahit nga may motion for consideration pang isasalang pinalibing niyo si Macoy na parang mga magnanakaw. Wag ka nga..

Readiness for Martial Law?  Let’s wait and see. Wag mayabang.

My point is wag kang credit grabber po kasi as far as I am concern yung isang binanggit mo ay hindi mo accomplishment yun, kasi kung ikaw nagpanalo sa West Philippines Sea case, sa tingin mo SocGen ka pa din ngayon? Eh BFF ni Duterte ang China. Wag ka nga.

Yung the other two?  It’s not an accomplishment, kahihiyan yun kasi one is imbento and the other is panakaw na panalo.

My advice?  Wag sinungaling kasi nakakapangit, yan ay kung may ipapangit pa. 😂😂😂

Galit sa Creditgrabber,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *