Abogado ng Gobyerno O Abogado ni Bongbong Marcos?

Dear KaPAB,

Natandaan niyo na pilit kinukuha ni Calida ang SALN ni Associate Justice Leonen? Kasi gusto ni Gadon at Calida gawin kay Justice Leonen ang ginawa nila kay Chief Justice  Sereno dati.

Magtataka kayo bakit umiinit ang puwet ni Calida na ipa-quo warranto si Justice Leonen. Napahiya ang dalawang Marcos loyalist kasi hindi ito pinayagan ng Supreme Court. 

Recently, nag comment na naman ito si Calida sa VP PET recount.

Muli napahiya kasi mismo COMELEC na ang nagsabi na wala ngang failure of election.

Ngayon, may the moves na naman si Bongbong Marcos.

“JUST IN: Defeated 2016 VP candidate Bongbong Marcos seeks inhibition of Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen from his election protest vs VP Leni Robredo before the Presidential Electoral Tribunal. Asks for reraffle and resolution of pending incidents.”

Dahil hindi nagtagumpay ang Plan A na mapatanggal si Associate Justice Leonenthrough quo warranto ni Calida, Plan B ang style ni Marcos. Ipapa – inhibit niya si Justice Leonen sa kanyang election protest.

So tanong, Solicitor General ba si Calida o abogado ng mga Marcos? Kasi ang suweldo ni Calida galing sa buwis natin eh. Kung may delikadesa puwedeng mag resign. At si BBM Sana matutunan niyang mag move-on. Nakakaistorbo siya sa mga ginagawang pagtulong ni Busy Presidente Leni Robredo.

Natalo sa election, natalo sa recount. Ilang pagkatalo pa ba ang bibilangin para tumigil ito si Bongbong Marcos?

Yamot sa Mga Nanggugulo,

PAB