A Sincere Letter to Mocha Uson

Dear Mocha Uson,

Mukhang may bagong narrative na naman na pinapalabas ang mga minions mo gaya ni Suzette Doctolero ng GMA 7.

Parang pinapalabas ka na kina kawawa ka, pero yung totoo ikaw ang May kasalanan kung bakit natitira ka ng mga Pilipino. Hindi uubra yang paawa effect. Kasi ang totoo hindi ka naman nag dancer to support your family, nag dancer ka on your own. Naka graduate ka sa UST, puwede naman gamitin mo ang pinag -aralan mo, pero syempre iba ang  fame kaya mas pinili mong maging dancer. Pero hindi kita hinuhusgahan sa pinili mong trabaho, ang point ko lang sana wag mong gamitin ang fact na yan para sabihin mo na biktima ka. Kasi madaming netizen ang nakakakilala sa yo. Tulad nito.

See, puwede mong lokohin ang ibang DDS, pero madaming nagkakaalam kung ano ang totoo.

Kung kinakamuhian ka man ng mga tao ngayon, ang reason nun ay hindi dahil dancer ka or hubadera ka dati. Nagsasalita sila kasi sinungaling ka, niloloko mo ang mga followers mo sa pamamagitan ng pag kalat ng fake news at sobrang divisive ka sa bansa. Sinisiraan mo ang press para ikaw lang ang paniwalaan.  At ang pinakamasaklap you are earning 130k+ just to lie to us.

So you see, kinamumuhian ka hindi dahil kung ano ka before, kinamumuhian ka dahil sa katayuan mo ngayon na you can use your influence sana sa paggawa ng mabuti, pero mas pinipili mo maging sinungaling at mag spread ng hatred/divisiveness.

Therefore pakisabi sa mga minions mo na wag magdrama kasi alam natin kung ano ang totoo.

Try mong magpakumbaba at huwag magsinungaling, baka sakaling magbago pa ang pagtingin ng tao sa ‘yo. Pakisabi din kay Doctolero na hindi ito isang teleserye from GMA na puwede niyang gawan ng kwento. Totoong buhay to na pinagsinungalingan mo.

Wag kayong magdrama, hindi ito pelikula.

Yamot sa mga Dramatistang Sinungaling,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *