A Movie Review and Reflection

Dear KaPAB,

Nasanay na ako na kinikwento sa inyo ang mga bagay na nangyayari sa akin. Kanina niyaya ako ng isang kaibigan na manood ng isang movie.

Eto yung “ I LOVE YOU HATER”. Akala ko hindi ko siya magugustuhan kasi baka corny na romcom lang siya. Surprisingly it is really good movie.

Bawat isang character sa pelikula tumatatak sa puso ng mga manonood. It is a story about making mistakes and second chances. It is a story about family and father’s love. It is a story about moving on and choosing to be happy.

Yung love team na sila Julia at Joshua, makakarelate ang mga kabataan. May kurot sa puso ang pagsisikap nila para lang sa pamilya. Yung scene na sobrang pagod ka na, pero kailangan mong magtrabaho pa rin kasi may umaasa na pamilya? Sobrang relate ako doon, kasi ganoon tayong mga Pinoy eh.

Nang sinabi ko na story ito ng making mistakes and second chances, dito pumasok ang kahalagahan ng pagpapatawad at pagtatama sa mali. Isa sa mga pinakamahalagang lesson sa pelikula ay yung pagtanggap ng sorry na hindi sa iyo binigay.

Pero yung napaiyak ako talaga, yung scene between Shasha (played by Kris Aquino) and his father (played by Ronaldo Valdez). Iba ang kurot pag pagmamahal na sa pamilya ang nakataya. It is really a powerful scene. Galing ng iyak ni Kris Aquino dun!

I recommend na you should watch the movie. Kung isa kang anak na nagsisikap para sa pamilya, this movie is for you. Kung isa kang anak na nagkamali at nabigyan ng second chance, this is for you. Kung isa kang ama na nagsisikap para sa pamilya, para din sa iyo ang movie na to. Higit sa lahat kung nagmahal ka at nasaktan mas makakarelate ka sa movie na to.

Istorya ito ng pagmamahal sa pamilya, sa trabaho at sa taong tinitibok ng puso mo.

Roller coaster nga ang feeling eh, tatawa ka, manghihinayang, iiyak tapos kikiligin ka uli.

Sa mundo ng kaguluhan sa politika, ang pelikulang “I LOVE YOU, HATER”  ang pansamantala niyang ngiti, iyak at kilig.

Matutulog na May Ngiti sa Labi,

PAB

P.S. Bring your family pag manonood kayo, kasi for sure magandang family bonding to. Pagkatapos niyong manood lalo niyong mamahalin ang mga Tatay niyo, promise!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *