80,000 na Tayo!

Dear KaPAB,

Now that we reached 80,000, gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat. Sa walang sawang pagsuporta sa blog natin.

Let me tell you how PAB started. Dati sa personal account ko very vocal din ako sa stand ko about politics, then pinadalhan ng threats ako kasama ng pamilya ko. I stopped posting anything about politics.

But the fire inside of me ay di kayang tumigil, habang nakikita ko ang pagkalat ng fake news, pagdeteriorate ng Filipino values at kapalpakan ng gobyernong ito.

Kaya sometime in December 2016, Pinoy Ako Blog page was created in FB.

So I started posting. Debunking fake news, calling out public officials sa maling ginagawa and calling out DDS propagandists na niloloko ang taong bayan.

I still remember nagpopost ako sa gabi, in between breaks at lunch time. Bawal kasi ang phone sa production room. Tapos pagkatapos ng trabaho diretso sa klase kasi kailangan kung tapusin pag aaral ko.

I still remember every payday hinihiwalay ko ang budget sa pag boost. Minsan 800, pag may incentive at malaki ang net pay ko, minsan 1500 ang tinatabi ko as boost fund.

When my followers started to increase , nag start ako mag FB live. Minsan once a week minsan twice a week. Interacting with my followers makes me happy. Masaya makipagkwentuhan sa inyo guys.

Then trolls started reporting the page. Hindi iilang beses nasuspend ang page noon.  It was very frustrating. Umiiyak ako noon sa inis, kasi wala akong magawa to fight their synchronized attacks. Kaya naghanap ako ng paraan noon to protect PAB.

Doon pumasok ang idea about blogging. Oo nga naman, kung may blog si PAB, ipasuspend man nila ang page, blogsite would still exist. Wala akong masyadong alam sa IT, kaya nagpaturo ako sa isang kaibigan. Nirefer si Cocoy Dayao. Sa kanya nanggaling ang domain ko, then Pinoy ako Blog was created. Hanggang tech stuff lang siya ,content was all mine.

If you asked me before kung darating tayo sa 80k, pagtatawanan ko kayo kasi naman hindi ako sikat, mali mali pa nga minsan ang grammar ko at spelling eh. My purpose lang talaga noon is to expose lies and fake news. Maging boses ng mga taong gustong magsalita pero natatakot lang na baka mabash sila.

Now that we are more than 80,000 followers,  PAB is under attack again. They are harassing Cocoy Dayao to expose me. Resibo.

Tanong lang, why they are so fixated sa pag expose kay PAB? Wala tayong ginagawa sa kanila. Galit ba sila sa katotohanan?

If you ask me now, kung takot ako?  Hindi ako takot, nagagalit ako, kasi nadadamay ang ibang tao. Cocoy have been receiving all kinds of threats kasi ini expose ni Ate Sass at ang mga minions niya ang phone number at address niya sa Facebook. That is how evil they are.

Pero nagpapasalamat din ako sa mga taong nagbigay ng suporta kay PAB. Nagpapatunay lang na maraming tao na rin ang ayaw sa fake news.

Kung inaakala ng mga propagandistang ito ay titigil si PAB,  dream on! Mas lalo niyo lang pinag alab ang puso ko na labanan ang fake news at pang aabuso. Hindi niyo mapapatahimik si PAB.

Si PAB ay hindi nag-iisa. Si PAB ay makikita mo sa bawat magulang na nawalan ng anak dahil sa EJK. Makikita mo si PAB sa bawat ordinaryong tao na nakikipag buno sa traffic na hindi pa din nasosolusyunan ni Duterte. Makikita mo si PAB sa bawat matalinong Pinoy na nagsasawa na sa fake news at kasinungalingan ng gobyernong ito.

Ngayong 80,000 plus na tayo, pagtulungan man nila tayo, TULOY PA DIN ANG LABAN!

Mas matapang na PAB ang makikita niyo.

Maraming salamat mga KaPAB.

Patuloy na Lumalaban para sa Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *