32 Deaths in 24 Hours

Dear President Duterte,

Paano po kayo nakakatulog sa gabi sa kaliwat kanang patayan. Nung nakaraang araw, 32 ang namatay sa iisang lugar and that’s in Bulacan.

32 na pamilya na naman po ang nawalan ng mahal sa buhay. Hindi sila hiningan ng affidavit bago hinatulan ng kamatayan. Hindi rin sila nakaranas ng due process bago nawalan ng hininga.

Sabi ng mga pulis, iilang gramo daw ng shabu ang nakita nila, pero lahat sila nanlaban kaya pinagpapatay.

Samantala yung anak niyo po, sa kabila ng 6.4 billion na worth of Shabu, nanatiling buhay at nasa piling niyo pa. Binigyan niyo ng due process, hiningan nyo ng affidavit bago niyo hatulan. Bakit po ganun?

Alam niyo po hindi ko na kilala ang bansa ko. Kayo na mismo ang nagsabi na hindi niyo kayang lutasin ang problema sa droga, baka mali po ang method na ginagamit niyo po. Kung hindi niyo pala masolve ang problema, bakit patuloy pa rin ang patayan?

32 deaths in 24 hours sa iisang lugar? Grabe po kayo.

Minsan naiisip ko baka nga you are just eliminating the competition, kasi sa bilyones na halaga ng shabu,  tahimik po kayo. Walang pagkondena on your part. Overwhelming na ang mga evidence and yet nanahimik kayo?  Dahil ba involve ang anak niyo?

Wala po kayong awa. Pag mahihirap patay agad, pag anak niyo affidavit at due process muna?

Most of them voted for you. Akala nila may pagbabago, meron nga, madugong pagbabago ang dinanas nila.

Wala mang hustisya dito sa lupa sa libo libong namatay,  pero langit po ang sisingil sa inyo. Tandaan niyo po yan.

Galit sa Mamamatay Tao,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *