300 pax Junkets Paid by Taxpayers

Habang kulang sa pagkain ang mga tao sa Marawi…

Habang nagdadalamhati ang mga pamilya na nawalan ng hanapbuhay…

Habang nakikipag laban ang ating mga kasundaluhan..

300 katao ang nakasama pala dun sa travel junket sa Russia.

Kandakuba na si Juan sa paghahanapbuhay para makabayad ng tamang buwis..

Basa na ng pawis si Juan sa paglalakad para lang makatipid…

Nag titiis mag bote dyaryo si Juan, para lang may maipakain sa pamilya..

Iniiyak na lang ni Juan na OFW ang pangungulila sa mga mahal sa buhay para lang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya sa Pinas…

Pero ang gobyernong ito, walang awang winawaldas ang perang pinagpaguran ng taong bayan…

Imbes unahin ang kapakanan ni Juan, inuna pa ang kapakanan ni Robin Padilla, Phillip Salvador, Sandra Cam, Mocha Uson at kung sino2x pang tsuwariwariwap sa junket na yun.

Hindi ito ang pagbabagong hinangad ni Juan.

Galit sa Linta,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *