100 Days, Kabayo, Ahas at Terrorista Pa Din?

Dear KaPAB,

Napanood niyo ba ang presscon kagabi? May planong ba kayong narinig about sa kalagayan natin? Eto ang kalagayan ng Covid 19 Pandemic ng bansa.

Tapos eto ang maririnig mo galing sa presidente:

1.

Huwag daw magsisisihan. Pero biglang sinisi ang mga Cebuano.

2.

Kabayo at ahas na naman. So habang wala pang vaccine ano ang plano sa mga apektado? Gaya ng mga OFW na namumulot ng basura, mga jeepney driver na namamalimos sa kalsada mga mamamayan na nagugutom? Nganga na lang?

3.

Mga ordinaryong tao ang nahihirapan, tapos military ang bibisitahin? Paano kaya yan makakatulong sa pagpuksa sa Covid19?

4.

NPA na naman? 31,000+ na ang positive cases, libo-libo na ang namatay dahil sa epidemya, komunista pa rin? Kung ayaw niya sa komunista bakit hindi niya unahin ang China?

5.

Kung naghahanap sila ng murang PPE bakit overpriced pa rin, compared sa nakuha ng OVP? Kung naghahanap sila ng mura, bakit hindi nila kinuha ang mga lokal na mananahi para makatipid? Bakit yung sa China ang kinuha na napakamahal? At paano itataya ang isang bagay na wala sa yo?

Kapagod no? Tayo-tayo na lang talaga ito.

Hay Pilipinas.

Yamot Sa Mga Incompetent,

PAB

 

Facebook Comments